Good day Atty Claire:
May gusto lang po kung itanong about sa pag-transfer ng title, annulled na po ko but my property po kaming ng ex-husband ko, ngaun po gusto ko na pong i-transfer sa 2 anak ko na nasa legal age na po bago po kami ma-annulled
pumirma po siya ng deed of donation na ‘yung property namin na house ay ibibigay niya sa dalawang anak that’s the time na mga minor pa sila, is that valid po ba atty? Kahit ‘di pa na notario ‘yung nasabing deed of donation, kasi accdg to sa pinagawan ko dati ‘wag muna ipa-notario hanggang ‘di pa daw maii-transfer ang titulo tama po ba ‘yun?
Ngayon anulled na kami at nasa legal age na po ang mga anak namin puwede ko na po bang ipa-transfer ang titulo ng bahay namin.
Lubos na gumagalang
Roselyn
Ms. Rose,
Ang ginawang Deed of Donatiom ng iyong asawa pabor sa inyong mga anak ay valid kahit iyan ay matagal ng nagawa. Kakailanganin ninyo lamang na iyan ay manotaryuhan upang maiproseso mo ang paglipat ng titulo sa pangalan ng inyong mga anak.
Inaasahan ko na kayo naman ay naging maganda ang paghihiwalay upang sabay na kayong pupunta at haharap sa notaryo publiko upang mapanumpaan at patotohanan ang dokumento na inyong ginawa at pinirmahan.
Tandaan na ang pagdispose o paglipat ng may-ari ng kanyang karapatan sa isang ari-arian ay karapatan niya ngunit kapag ang asawa mo ay nagkaroon muli ng ibang mga lehitimong anak sa magiging asawa niya (kung magkakaroon) ay maaaring maibalik sa dating estado ang ari-arian upang hindi maapektuhan ang share ng iba niyang mga tagapagmana kung sakaling hindi sapat ang share upang mahati ng pantay-pantay. Kakaiba naman kapag ang ginawang dokumento ay isang Deed of Sale (totoong may bentahan). Kapag bentahan ang naging transaksyon pabor sa anak ay hindi na ito mababawi pa at maibabalik sa dating estado (estate ng asawa mo) dahil naisalin sa iba ang ari-arian ng may kasamang konsiderasyon o bayad.
***
Kung may katanungan pa ay tumawag lamang sa 410 7624/ 4107624 o mag email sa attorneyclaire@gmail.com