Sinuspende ng Ombudsman si Associate Provincial Prosecutor Joan Albarece ng Office of the Provincial Prose­cutor (OPP) ng Misamis Oriental, Cagayan de Oro nang isang buwan at isang araw na napatunayang guilty sa kasong Simple Misconduct.

Nag-ugat ang kaso mula sa pagtatalo noong Hulyo 21, 2016 sa pagitan ni Albarece at complainant na si Quennie Ebonia sa mismong tanggapan ng una sa OPP.

Ayon kay Ebonia, sa kanilang pagtatalo ay hinampas umano ni Albarece ang case folders sa lamesa at binato ang stapler at puncher, at tinulak at sinagawan siya nito.

Bagama’t itinanggi ito ni Albarece, hindi kumbinsido ang Ombudsman sa halip iginiit na ang kilos at asta nito ay hindi nababagay at naayon sa kanyang pagganap bilang prosecutor.

“The fact that respondent’s acts were committed within the premises of the OPP strengthens this Office’s view that such acts were intimately connected to her office. Verily, respondent is liable for misconduct for acting mena­cingly towards complainant,” ayon sa Ombudsman.

Dagdag pa sa Ombudsman decision, “Employees in the government service are bound by the rules of pro­per and ethical behavior. They are expected to act with self-restraint and civility at all times, even when confronted with rudeness and insolence.”