Prosti den sa likod ng city hall

prostitute

Arestado ng mga ahente ng National Bureau of Investigation-Anti Organized and Transnatio­nals Crime Division (NBI-AOTCD) ang 15 Chinese national na sangkot sa sex trade at human trafficking sa dalawang magkasunod na operasyong isinagawa sa Las Piñas City kung saan isa sa mga lugar ay malapit lamang sa city hall.

Ayon kay Deputy Director for Services Ferdinand Lavin, una umanong naaresto sa isang hotel sa Almanza, Las Piñas noong Disyembre 11 sina Li Zhi Peng, Liu Fei at Sun Li Guan kung saan 12 babaeng Chinese national na pawang mga prostitute ang nasagip.

yembre 13 sa 3-storey building sa Crispina Avenue, Las Piñas Village, Las Piñas City na nasa likod lamang ng city hall, kung saan ginagawang ‘casa’ ng mga suspek na sina Sang Fei, Sun Dong Dong, Yan Yin Xuan, pawang mga babaeng bugaw; Xu Li Wei, Lan Wei Hong, Lin Yi Mai, Xiang Yingkun, Chen Xiao Cong, big boss; Lai Zhimin, Lai Yi Cheng, Lai Min Liang at Hung Qing Ze, habang limang babaeng Chinese national naman ang nasagip.

Nabatid na modus operandi umano ng sindikato na mag-recruit ng babae sa China para magtrabaho sa isang mall sa Pilipinas pero pagdating ng babae ay iho-hostage na nila ang mga ito at saka ibebenta sa mga parokyanong Chinese sa hala­gang P6,000 hanggang P18,000 para makipagtalik sa loob lamang ng isang oras.

Ayon kay Atty. Joel Tovera ng NBI-AOTCD, ang mga parokyano ng sindikato ay pawang Chinese national na karamihan ay nagtatrabaho sa Philippine Offshore Gaming Operator (POGO).

Nabatid na walang Pilipino na pinapayagan na makapasok sa kanilang mobile application na tinatawag na ‘telegram’.

Nasa P400,000 hanggang P500,000 ang kinikita ng prostitution den kada araw, ayon sa NBI.

Sasampahan ng kasong Anti-Trafficking in Person ang mga suspek sa Department of Justice dahil sa paglabag sa Anti-Trafficking in Persons Act. (Juliet de Loza-Cudia