Tututukan din ng Bulacan PNP ang mas mala­lang suliranin sa prostitusyon at droga sa mga night spot sa Bulacan partikular sa mga maliliit na beer-garden sa kahabaan ng Mac-Arthur Highway mula Meycauayan City hanggang Malolos City, makaraang makumpirmang malaking porsiyento ng mga commercial sex workers ay nalululong din sa droga.

Sa impormasyong nakalap sa Bulacan Police Provincial Office (BPPO)-Malolos City, susuyurin ang maliliit na beer-garden at night spots sa mga siyudad ng Meycauayan, Malolos at San Jose del Monte City bukod pa sa pagtutok sa bayan ng ­Bocaue, Balagtas, Guiginto at Pulilan dahil sa ­impormasyong maraming kababaihang nagbebenta­ ng panandaliang-aliw ay gumagamit at lulong sa droga.