Isinusulong ni Senador Leila de Lima ang panukala na naglalayong protektahan ang karapatan ng mga refugee o stateless persons.

Sa kanyang Senate Bill 1854, iginiit ni De Lima na sa kabila ng pagkupkop ng Pilipinas ng mga refugee, wala pa ring batas ang bansa para sa kanila.

“Refugees are a glo­bal phenomenon. In different parts of the world, large groups of people are forced to leave their home countries because of war, armed conflicts, and persecution. They are in search of safer places,” saad ni De Lima.

Sa tala ng United Nations High Commissioner for Refugees (UNHCR) hanggang noong Hunyo 2017, nasa 65.6 million ang sapilitang na-displace at nasa 22.5 million sa mga ito ang itinuturing na refugees.

Binigyang-diin din ng UNHCR na 10 milyong stateless people ang hindi nabibigyan ng natio­nality at access sa basic rights kabilang na ang edukasyon, healthcare, employment at freedom of movement.

Ayon sa senador, isa ang Pilipinas sa kumupkop ng mga refugee, kabilang ang ‘White Russians’ na tumakas sa Russia noong Bolshevik Revolution, mga Jew noong World War 2, Chinese matapos ang Communist revolution, at Vietnamese “boat people” matapos ang labanan ng South Vietnam at North Vietnam.

“Throughout the history of refugees, one such place that was always considered as a safe haven is the Philippines. In all instances, we have always provided them safe haven, ever true to our nature as a warm and hospital people,” diin ng senador.

Noong Justice secretary pa ang senador noong Mayo 2015, inirekomenda ni De Lima ang pagpapadala ng mga barko upang iligtas ang 3,000 Rohingya refugee at bigyan sila ng matutuluyan.