Kung nasa peligro ang buhay ngayon ni Sen. Leila de Lima, handa si Senate President Aquilino Pimentel III na bigyan ng security protection ang senador.

Ayon kay Pimentel, obligasyon ng Senado na bigyan ng proteksyon ang isang miyembro kung nasa peligro ang buhay nito kahit na wala pang linaw kung mga tauhan o supporter ni Pangulong Rodrigo Duterte ang nangha-harass ngayon sa senador.

“There’s no need to go into that or determine who is behind. What’s important is that if a member of Senate needs protection on such kind of security concerns, we’ll do so. If we investigate as to whether they’re true or not or whose behind it, it might take five years,” ayon sa Senate President.

Kahit wala pang pormal request si De Lima, sinabi ni Pimentel na inatasan na niya ang Senate Sgt. at Arms kung may mga tauhan pa sila na maaring magbantay sa kaligtasan ni De Lima.

Nitong Huwebes ay kinumpirma ni De Lima na lumipat na siya ng bahay dahil sa pagsasapubliko ng Kamara sa kanyang home address sa Parañaque City at ayaw din niyang madamay ang kanyang mga kapitbahay sa gulong kinakaharap niya.

Pinutakti rin ng pagbabanta sa kanyang cellphone si De Lima matapos isapubliko ng House Committee on Justice ang cellphone number nito sa nakaraang pagdinig ng komite.

“I’m now a subject of persecution and I’m no longer safe. I don’t feel safe. The truth is I’m not safe!” diin ni De Lima sa isinagawang press conference sa Senado.

18 Responses

  1. Nakonsiyensya naman ng konti si Pimentel. Dahil sa galing ni De Lima naipanalo ka niya sa laban ninyo ni Zubiri sa pandaraya sa botohan kaya ka nakaupo sa Senado. Alam mong walang kasalanan si De Lima pero dahil kakampi ka ni Duterte naitsapwera si De Lima alang alang sa Politika.