Cause of concern para sa pamahalaan ang report ng United Nations (UN) Convention on the Elimination of All Forms of Discrimination Against Women (CEDAW) matapos ang pagpupulong ng dalawang partido noong Hulyo 5.
Ayon sa UN agency ay kulang na kulang pa rin daw ang proteksyon para sa mga kababaihang Filipino na nagtatrabaho sa ibang bansa kung kaya dapat pumasok ang Pilipinas sa bilateral at memorandum of agreements sa ibang bansa. Particularly na vulnerable raw ang mga babae na nasa unskilled sector dahil doon raw nangyayari ang maraming pang-aabuso. Kabilang sa mga itinuturing na unskilled ang nasa household workers tulad ng maids at yayas.
Dagdag-proteksyon
Ang report ay tumalakay sa iba’t ibang paglabag sa mga karapatang pantao ng mga kababaihan at hindi naman exclusive ito patungkol sa mga babaeng nagtatrabaho sa loob o labas ng bansa.
Suffice it to say na batay sa UN report, kailangan pa ang dagdag na proteksyon para sa mga babaeng OFW though considered na step in the right direction ang pag-amiyenda sa Migrant Workers and Overseas Filipinos Act of 2010.
Legal support
Kailangan raw na maging aktibo ang pamahalaan sa prosecution ng mga foreign employer na nang-abuso sa mga OFWs. To do this, kailangan talagang dagdagan ang funding ng legal arm ng iba’t ibang embahada at konsulada natin.
Isa pang concern na inilabas ng UN body sa pakikipagpulong sa Philippine side ay ang kakulangan ng support system para sa reintegration ng women OFWs matapos umuwi ng Pilipinas.
As an aside, marapat lang na busisiin ng Duterte administration ang P2-billion Reintegration Program ng Overseas Workers Welfare Administration (OWWA) para malaman kung ilan ba ang naging benepisyaryo nito.
Loan facility
Ang loan program ay idinaan ng OWWA sa Land Bank at ang karaniwang reklamo ng mga OFW ay ang kahirapan mag-avail ng loan facility.
Truth be told, kung ilang taon na natin iginigiit ang full accounting ng OWWA funds pati ang breakdown ng expenditures nito vis-a-vis ang taunang pasok ng pera mula sa ibinabayad na membership fees ng OFWs. And here we are, still waiting.
Come Follow Me on Twitter @beeslist. And Chime In with your opinions or comments. Kung may pinagsisintir, email lang sa usapang_ofw@yahoo.com or tumawag sa phone number 551-5163.