Protesta sa eleksyon sa Caloocan, ibinasura ng Comelec

Ibinasura ng Commission on Elections (Comelec) ang protesta ni da­ting Caloocan City Mayor Enrico ‘Recom’ Echiverri­ laban sa pagkapanalo sa halalan ni Mayor Oscar ‘Oca’ Malapitan dahil sa “insufficiency in form and content” o kakulanga­n sa porma at laman ng natu­rang reklamo.

Sa desisyon na nilagdaan kahapon ng 1st Division Presiding Commissioner Christian Ro­bert S. Lim at nina Commissioners Luiz Tito F. Guia at Ma. Rowena Amelia V. Guanzon, hindi binanggit sa protesta ni Echiverri ang mga kinukuwestiyong mga presinto at ang bilang ng mga boto na inirereklamo.

Matatandaan na landslide ang pagkapanalo sa halalan ng pagka-mayor­ ni Malapitan o mahigit­ 300,000 votes laban sa mahigit 160,000 votes ni Echiverri, o may inilamang si Malapitan ng mahigit 130,000 votes.

Naghain ng protesta­ sa Comelec si Echiverri­ noong July 25, 2016 na nagsabing dinaya umano siya sa lahat ng presinto at balota sa buong Caloocan City, mayroong 4,312 ang presinto sa Caloocan o 963 clustered precincts.