Protesta sa kalsada, bawal pa

Muling ipinaalala ng Department of Interior and Local Government na mahigpit pa ring ipinagbabawal ang pagsasagawa ng kilos-protesta sa mga kalsada habang nananatili sa General Community Quarantine (GCQ) ang Metro Manila.

Ayon kay DILG Sec. Eduardo Año, sa ilalim ng GCQ ay istrikto pa ring ipinapatupad ang pagsasagawa ng mass gathering at physical distancing.

Sinabi ni Año, marami pa ring COVID-19 cases sa NCR kaya marapat lamang na manatili pa sa tahanan ang publiko kung wala rin lang mahalagang lakad at gawain.

“Under GCQ, we are still prohibiting mass gatherings. Not more than 10 people are allowed to gather and have physical distancing as there are still many cases under GCQ” ani Año. (Dolly B. Cabreza)