Provincial bus umiiyak na sa lockdown

Hindi pa man pinapayagang bumiyahe, umiiyak na at natatakot na malugi ang mga operators ng provincial bus sa ilalim ng mga bagong patakaran kapag pinayagan na silang muling makabiyahe sa pinaluwag na coronavirus lockdown.

Ayon kay Alex Yagie, executive director ng Provincial Bus Operators Association of the Philippines, kalahati lamang ang maisasakay ng mga provincial bus na pinagpaplanuhan din ng gobyernong pagbawalan na makapasok sa Metro Manila. “Kahit anong kwenta namin sa 50 percent, hindi kikita,” ayon kay Yague.

Bukod pa dito ang gastos nila sa pag-install ng online payment system, thermal scanner at foot bath para sa mga pasahero.

“Maraming gastos po iyan. Nangangapa kami,” dagdag pa ni Yague. (Juliet de Loza-Cudia)