Tatalakayin sa Phili­ppine Sportswriters Association (PSA) Forum, ngayong Martes ng alas-10:00 nang umaga sa Amelie Hotel Manila sa Jorge Bocobo, Malate ang parating na PRURide PH 2020.

Tampok sa sports session sina Pru Life UK SVP at Chief Marketing Officer Allan Tumbaga at race director Christian David Alacar upang ibahagi ang event na papadyak sa Marso 11-15 sa Clark, Pampanga.

Inaasahan na lagpas 2,500 cyclist ang lalahok, kasama ang 18 local at international professional team sa Union Cycliste Internationale 2.2 race.

Mga hatid ng San Miguel Corp., Braska Restaurant, Amelie Hotel, at Philippine Amusement and Gaming Corporation (PAGCOR), mapapanood ang programa live sa PSA Facebook page fb.com/Philippine

SportswritersAssociation at ieere rin nang delayed basis sa Radyo Pilipinas 2 mula 1-2 p.m. at 6:30 p.m.

Matapos ang session sa Martes, magkakaroon muna ng isang buwan na pahinga upang makapaghanda para sa gaganaping Annual PSA Awards Night sa Marso 6. (JAT)