Nakatakdang itayo ang pinakaunang Aquatics Center sa bansa sa kinukunsiderang pinakamagagandang isla sa buong mundo at makasaysa­yang Bayan ng Limasawa sa Sogod Bay Area, Southern Leyte.

Sinabi ni Philippine Sports Commission (PSC) Commissioner Ramon Fernandez na sa pakikipagtulungan ni Limasawa City Mayor Melchor Palero Petracorta at tinaguriang “Pinoy Aquaman” na si Atty. Ingemar Macarine, nakatakda nang pasimulan ang planong proyekto para sa swimming at iba pang kasama nito sa aquatics.

“The officials and government units of Southern Leyte headed by Mayor Petracorta will launched the first Aquatics Center in the province, and maybe in the country, which will house the plans and programs and venue for different aquatics sports events and activities,” pahayag ni Fernandez.

Isasagawang sabay ang paglulunsad sa Mar. 31 na siyang petsa sa unang misa na ginanap sa Pilipinas na tinawag na “Limasawa Mass”.
Tinataguyod ni Macarine, 42, at mula sa Bohol ang paglangoy sa napakalamig na tubig ng San Francisco upang i-promote ang adbokasiya niyang para sa malinis na mga isla sa bansa. Nagsimula niyang languyin ang Golden Gate Bridge pa-isla ng Alcatraz.

Asam din ng PSC na mai­sagawa sa Aquatics Center kapag nakuha ang karapatan sa paghu-host ng Asian Beach Games ang mga event na beach volleyball, open water swimming, beach wrestling, sailing, canoe, kayak at rowing.