PSC Board wala pang appointments

Tanging ang nagba­balik bilang chairman ng Philippine Sports Commission (PSC) na si Butch Ramirez pa lang ang opis­yal na may appointment paper, ang five-man execu­tive board ay wala pang pormal na panunungkulan.

Hindi pa lubusang magampanan nina commissioners Charles Maxey­, Arnold Agustin, Ramon Fernandez at Celia Kiram ang mga tungkulin sa national athletes at National Sports Associa­tions (NSAs) dahil sa kawalan ng appointment papers.

Naaantala ang pagsasanay ng mga atleta at NSAs na naghahanda sa pagsabak sa iba’t ibang palaro kabilang ang Southeast Asian Games sa Kuala Lumpur, Malaysia sa susunod na taon.

Hindi makuha ng NSAs ang kani-kanilang pondo sa pagsasanay dahil sa kawalan ng lehitimong opisyales na pipirma sa mga tseke.

Kasabay na natapos ang termino sa pagbaba sa puwesto ng nagdaang administrasyon, hindi na pumapasok ang mga da­ting commissioners na sina Jose Luis Gomez, Wigberto Clavecilla Jr., Gilian Akiko Thomson-Guevara at Salvador Andrada.