PSC chair, kuntento sa PH team sa Arafura — Velasco

PSC chair, kuntento sa PH team sa Arafura — Velasco

Masayang-masaya ang Philippine Sports Commission (PSC) sa performance ng 91 atletang Pinoy na lumahok sa 11th Arafura Games 2019 sa Darwin, Northern Territory, Australia.

Humakot ng 31 gold, 51 silver at 34 bronze medals ang delegasyon sa 10-day competition na binubuo ng top performers mula sa mga prestihiyosong grassroots sporting event ng bansa tulad ng Philippine National Games, Batang Pinoy at Palarong Pambansa.

Ibinigay ni trackster Abegail Manzano ang unang gold medal ng Team Pilipinas matapos dominahin ang women’s 3,000-meter steeplechase.
Ginawaran naman ng Sportsmanship Award ng Athletes Australia si muay fighter at silver medalist Ariel Lee Lampacan dahil sa ipinakitang unselfish attitude sa kanyang kalaban.

Ayon kay PSC-Philippine Sports Institute National Training Director Marc Edward Velasco, ang kumpetisyon ay nagsilbing daan para sa mga regional athlete na magkaraoon ng international exposure upang magbigay pag-asa sa kanilang asam na maging national athlete rin sa hinaharap.

“Overall, we are very happy and I think the chairman is very satisfied with our performance,” saad ni Velasco. (Mhyris Lee)