PSC Laro’t Saya sa Parke dinumog

Nasiyahan si PSC chairman William ‘Butch’ Ramirez sa pagdalo ng mga pamilya’t mga kabataan at maging ng mga senior citizens na umabot sa 1,332 sa muling pagdaraos ng family-oriented at grassroots sports development program na PSC Laro’t-Saya sa Parke, PLAY ‘N LEARN sa Quezon City, San Juan City at sa Maynila nitong weekend.

“Tinuloy natin ang programa dahil nakita namin ang buting dulot nito sa publiko dahil sa pagkakaron din nito sa Davao City,” wika ni Ramirez. May 706 ang mga dumayo kahapon sa Luneta-Mla. na umabot kung saan may 480 ang nag-zumba hiwalay ang pitong lolo’t lola, 60 ang nagbadminton, 58 ang nag-chess, 48 ang nag-volleyball, 46 ang nag-football, at pito rin ang nag-arnis.

May 315 naman ang nagtipun-tipon sa kasabayan sa Pinaglabanan Shrine-SJC na rito’y 203 ang nag-zumba, 37 ang nag-volley, 35 ang nagbad­minton, 16 ang nag-arnis, 12 ang nag-taekwondo, pito ang sr. citizens, at lima ang nag-soccer.

At kamakalawa nama’y 311 ang mga lumusob sa QC Memorial Circle na ang 211 ay nag-zumba, 43 ang nag-chess, 18 ang nagbadminton, tig-10 ang nag-football at nag-volley at siyam ang lolo’t lola.