PSC nagbigay ng 190 kutson

Dahil sa patuloy na pamiminsala ng COVID-19 dumadami ang mga pasyente kaya naman nagkukulang na ang mga ospital at halos walang nang mga bakante.

Bukod sa 90 mattresses, nag-donate pa ng 100 ang Philippine Sports Commission sa pamumuno ni chairman William “Butch” Ramirez sa UP Genome Center volunteers.

Unang napabalita na may 90 mattresses ang ibinigay ng PSC mula kay Philippine Swimming Inc. president Lani Velasco.

Nagse-setup ng testing center sa UP Genome at kailangan ng mattresses bilang requirements.

Samantala, ang makikinabang sa 90 mattresses na unang idinonate ay apat na hospital kabilang ang Medical Center Manila, (ManilaMed), Emilio Aguinaldo Collge Medical Center Cavite, Fe Del Mundo Medical Center at Capitol Medical Center. (Elech Dawa)