PSC naglabas ng medical guideline vs virus

Inihayag ng Philippine Sports Commission (PSC) Medical Scientific Athlete Services (MSAS) unit ang medical guideline para sa mga empleyado at atleta na nasa patuloy nitong pangangalaga matapos ang Proclamation 929 at 922 mula sa Malacañang Palace nitong Lunes.

Nakasaad sa guideline ang limitadong personto-person interaction via social distancing, strict home quarantine observation, at suspension of non-essential travel sa labas ng sports complex.

Ito ay matapos maiwan ang 30 atleta at coach sa dormitoryo ng ahensiya sa Philsports Complex sa Pasig City. Tanging mga medical personnel at skeletal force lang ang namamahala sa operasyon ng ahensiya tulad sa security, meal, at maintenance. “Despite the challenges, we will do our best to assists those within our premises” pahayag ni PSC Chairman William Ramirez kahapon.

Base sa medical advisory, lahat ng mga manlal- aro at coaches na nananatili sa dorm ng Philsports ay “strictly advised to interact 1 to 2 meters apart.” Sinuman na kagagaling lang sa pagbiyahe kung saan man ito nagpunta ay hinihiling na mag- suot ng face mask, na maibibigay ng Medical Unit. (Lito Oredo)