May positibong anggulo ang hindi pagsasagawa ng Philippine Sports Commission (PSC) ng mga aktibidad at pagkakansela sa mga pambansang kompetisyon dahil sa panganib na hatid ng 2019 Novel Corona Virus–Acute Respiratory Disease.
Nangangahulugan ito na makakatipid sa pondo ang government sports agency at magagamit sa iba pang layunin ng sports agency para sa kasalukuyang taon.
“Our fall back here is we can save on our funds, which in turn magagamit natin for other sports programs,” pahayag sa ni PSC Chairman William Ramirez.
Ang pagkansela sa ilang inisyal na mga nakatakda nang sporting event aniya ay bilang pagtalima sa kautusan ng Malakanyang na huwag munang magsagawa ng mga programang sangkot ang maraming tao bilang proteksiyon sa mga atleta sa pagkalat nang nakamamatay na nCoV ng Wuhan, China. (Lito Oredo)