PSC totodo kina Yulo, Obiena

Ipagkakaloob ng Philippine Sports Commission (PSC) ang lahat ng suporta sa dalawang 32nd Summer Olympic Games 2020 qualifier sa Tokyo, Japan na sina Ernest John Obiena ng athletics at Carlos Edriel Yulo ng gymnastics.

Siniguro din ng PSC ang pag-ayuida sa iba pang elite list athletes na posibleng maging Tokyo Olympians sa naisin nitong tuluyang tighawin ang may 95 taong tagtuyot sa gold medal ng mga Pinoy sa quadrennial sportsfest.

Ito’y tapos na magpugay Martes si Obiena, kasama ang mga magulang na sina Emerson at Jeanette, kay PSC Chairman William ‘Butch’ Ramirez noong upang magpasalamat sa walang humpay na tulong sa pagsasanay at paglahok sa mga kompetisyon ng pole vaulter.

Kinatuwa ni Ramirez habang binati nito si Obiena sa pagkuwalipika sa Olympics. Tiniyak niya sa pamilya ang buong patuloy na suporta ng ahensiya sa paghahanda rin para sa Tokyo 2020 Olympics.

“If this works, then we will adapt this in the next cycles,” sabi ni Ramirez, habang nagbiro sa nabuo na plano na tatawaging “Obiena template”.

Magkakaroon ang pole vault champ ng sariling koponan na bubuuin ng physiotherapist, sports nutritionist at sports psychologist. Pagkakalooban pa ng PSC ng sariling tirahan at kailangang nutrition habang nagsasanay ang batang Obiena.

Si Obiena ay patuloy na nagsasanay sa ilalim ng kilalang coach na si Vitaly Petrov, habang ang ama nito ang tumutulong sa pagmomonitor sa kanyang paghahanda at pag-eensayo sa labas ng bansa at para mabantayan ang praktis habang nasa Manila.

Pinasalamatan ni Obiena ang PSC sa mga suporta habang siniguro na gagawin ang lahat para mabigyan ng karangalan ang bansa.

Pinaalalahanan ni Ramirez, na beteranong basketball coach, si Obiena na huwag ma-pressure at kailangang maging masaya.

“When you like what you are doing and you are happy, you perform better,” sabi ni Ramirez, na siya ring Team Philippines Chef de Mission sa papasok na buwang 30th Southeast Asian Games 2019 sa bansa.

Sa kasalukuyan, may isang national athlete lang ang nakakalasap ng pribilehiyo na may sariling koponan at tirahan, walang iba kundi si 2017 Rio de janeiro Olympics silver medalist Hidilyn Diaz, na nagtatangka sa sa ikaapat na Olympics.

Ipinaliwanag ni Ramirez na nakatakda din itong makipag-usap sa men’s artistic gymnasts na si Yulo upang mabuo ang sarili din nitong team na mangangalaga sa kanya. (Lito Oredo)