PSL: F2 nag-iinit na

Mga laro sa Martes (FilOil Flying V Centre)
3:00 p.m. — Petron vs. Generika-Ayala
5:00 p.m. — F2 Logistics vs. Cherrylume
7:00 p.m. Sta. Lucia vs. Cocolife

Habang tumatagal ay lalong umiinit ang defending champion F2 Logistics.

Matapos ang dalawang sunod na talo, humataw ng back-to-back wins ang Cargo Movers hu­ling pinaluhod ang Cocolife 25-16, 25-12, 25-16 kahapon sa simula ng second round ng Philippine Superliga All-Filipino Conference sa Filoil Flying V sa San Juan.

Tumikada si reigning UAAP MVP Mary Joy Ba­ron ng 11 points para ihatid sa 2-2 card ang F2 Logistics sa Pool D.

Dalawang sunod na talo sa first round ang Cargo Movers na binubuo ng mga La Salle netters bago kumalawit ng panalo at ilista ang 1-2 karta sa Pool C.

Sa unang laro, sinikwat ng Sta. Lucia ang unang panalo nang ipagpag ang bagitong Cherrylume 25-20, 21-25, 25-17, 25-16.

Mag-isa sa unahan ng Pool D ang Cargo Mo­vers, magkasalo sa second ang Lady Realtors at Asset Managers.

Pang-apat ang Iron Lady Warriors na bokya sa pa­nalo sa apat na salang.

Nasa Pool C ang Foton, Cignal, Petron at Generika-Ayala.

Single-round robin ang teams sa Pool C at Pool D para malaman ang ranking sa quarterfinal round.