Mga laro ngayon (FilOil Flying V Center)
5:00 p.m. — Foton vs. Cherrylume
7:00 p.m. — Cocolife vs. Generika-Ayala
Salang agad ang Generika-Ayala Lifesavers sa simula ng Philippine Superliga All-Filipino Conference sa FilOil Flying V Center sa San Juan ngayong araw.
Makakaharap ng Lifesavers ang Cocolife sa main game pagkatapos nang banatan sa pagitan ng Foton at rookie squad Cherrylume sa unang laro.
“Lahat team to beat kasi naghanda naman sila sa tournament na ito kaya ready palagi kung sino makakalaban,” ani Generika head coach Francis Vicente sa PSL press conference sa Centerstage sa Mall of Asia kahapon.
Bukod sa dalawang pares na maglalaban sa event na suportado ng Rebisco, Belo, Asics, Senoh, Mueller, Grand Sport at official broadcast partner TV5, ang ibang teams ay F2 Logistics, Petron, Sta. Lucia at Cignal.