Mga laro ngayon (The Arena, San Juan)
5:00 p.m. — Generika vs. Petron
7:00 p.m. — Sta. Lucia vs. Foton

Aminado si Generika head coach Francis Vicente na dadaan sa butas ng karayom ang koponan bago makapasok sa top three pagkatapos ng preliminary round ng Belo-Philippine Superliga Invitational Conference.

Kasalo ng Lifesavers ang Foton sa No. 3 spot sa tig-2-2 records, solo sa unahan ang wala pang talo sa apat na salang na Petron kabuntot ang Cignal (4-1).

Kahit babangga ang Generika sa heavyweight Blaze Spikers sa first game ngayong hapon sa The Arena sa San Juan, optimistiko si Vicente na makakalusot ang Lifesavers.

“Although it would take a miracle for us to get in (top 3), we’re very optimistic we can make it,” wika ni Vicente.

Nabuhayan ang Lifesavers nang manalo sa huling laban kontra Sta. Lucia Realty 25-21, 25-13, 25-16 noong Sabado.

Sigurado na ang Blaze Spikers sa top three local teams sa next round, kasama ang isang foreign squad sa single-round robin.

Katapat ng Tornadoes sa main event ang semplang nang Lady Realtors (0-4).