Mga laro ngayon:
(Malolos, Bulacan)
5 pm — Petron vs Sta. Lucia
7 pm — Foton vs Cherrylume

Liyamado ang Foton at Petron laban sa kanilang mga katung­gali sa knockout quarterfinals ng Philippine ­Superliga (PSL) All-­Filipino Conference sa Malolos Sports and Convention Center sa Bulacan nga­yong araw.

Subalit ayaw magkompiyansa nina Torna­does at Blaze ­Spikers head coaches, Moro Branislav at Shaq Delos Santos ayon sa pagkakasunod dahil posible rin silang masilat.

Makakalaban ng top seed sa Pool C Foton, (5-1) ang No. 4 sa Pool D at wala pang panalong Cherrylume sa alas-7 ng gabi habang katapat ng Petron ang Sta. Lucia sa unang laro, (5 p.m.).

“In my opinion, Cherry­lume will be playing with nothing to lose,” ani Serbian mentor Branislav. “This team is composed of young pla­yers from the university. They are very aggressive. They will surely play with a lot of heart and a lot of pride in a very important game like this.”

Sasandalan ni Bra­nislav sina 6-foot-5 Jaja Santiago, EJ Laure, Maika Ortiz, CJ Rosario, Nica Guliman Roselyn Doria, Shang Berte at Jen Reyes.

“It’s going to be very tough. Sta. Lucia is a very good and hungry team so we also have to be ready,” hayag ni ­Delos Santos.

Huhugot ng ­puwersa si Delos Santos kina Mika Reyes, Rhea Dima­culangan, Frances ­Molina at Aiza Maizo-Pontillas.

Tigasin din ang panlaban ng Lady Realtors na sina Filipino-American MJ Phillips, Janine Navarro at Danika Gendrauli.

Umusad na sa semifinals ang defending champion F2 Logistics at Cignal sa event na suportado ng Belo, Rebisco at Gold’s Gym habang TV5 ang official broadcast partner.

Dalawang slots na lang sa Final Four ang pinagla­labanan.