Mga laro sa Martes:
(FilOil Flying V Center)
2:00 p.m. – Foton vs Sta. Lucia
4:15 p.m. – UVC vs Petron
7:00 p.m. – Generika-Ayala vs F2 Logistics
Nagsanib-puwersa sina import Grace Lazaro at local Aiko Urdas upang akbayan ang PLDT FIBR sa 25-17, 25-23, 25-18 panalo kontra Sta. Lucia Lady Realtors kagabi sa Philippine Superliga Grand Prix, 2019 sa Malolos Sports and Convention Center.
Kumayod si Lazaro ng 12 attacks, tatlong blocks at isang service aces para sa PLDT na hinataw ang tatlong sunod na panalo habang nagtala si Urdas ng apat na hits, tatlong blocks at tatlong service aces.
Nanatili sa pang-apat na puwesto ang PLDT tangan ang 3-2 karta.
“Nagpapasalamat ako sa mga kakampi at sa coaching staff dahil sa pagtitiwala nila sa akin,” masayang saad ni Urdas.
May pagkakataon sanang humaba ang hininga ng Lady Realtors matapos pumuntos ni Amanda Villanueva at makalamang ng dalawa 8-6 sa first technical timeout sa third set.
Subalit naagaw muli ng PLDT ang bandera matapos rumagasa ng 5-1 run, 11-9.
Lalong ginanahan ang PLDT pagkatapos ng pangalawang TTO, pumalo si Urdas ng back-to-back aces para hawakan nila ang 23-17 abante at sikwatin ang panalo.
Nalasap ng Sta. Lucia ang pang-limang talo sa anim na salang. (