Si Serbian Moro Branislav na ang bagong head coach ng Philippine Superliga Manila squad na isasabak sa FIVB Women’s Club World Championship sa Mall of Asia Arena sa susunod na buwan.

Magiging assistants ng seasoned tactician sina Shun Takahashi ng Japan at Sammy Acaylar.

Pinaliwanag ni PSL president Ramon ‘Tats’ Suzara na dapat ay ang 26-anyos na si Takahashi ang magtitimon sa squad, pero nang malibre si Branislav ay tinapik agad nila ito. Inaasahang malaki ang maitutulong ni B­ranislav sa local PSL coaches na bawat isa ay may papel sa team.

“Moro is a seasoned coach who served as instructor to a lot of Filipino coaches in FIVB coaching seminars,” ani Suzara hinggil sa Serb na naging coach din ng 4.25 Sports Club ng North Korea. “With his European style and Takahashi’s Asian brand of coaching, I’m optimistic that our players will develop into world-class athletes soon.”