Mga laro ngayon (Baliwag, Bulacan) 
5:00 p.m. — Cherrylume vs. Cocolife 
7:00 p.m. — Generika vs. Cignal

Haharapin ng Cignal ang Generika-Ayala sa second round ng Philippine Super Liga All-Filipino Conference sa Baliwag Star Arena sa Bulacan.

No. 2 sa Pool C ang HD Spikers sa 4-1 karta sa likod ng Foton (5-1).

Mataas ang quotient ng Tornadoes kaya hindi­ na magagalaw sa No. 1 kahit manalo ang Cignal sa Lifesavers sa main game ngayon.

Pero kailangan ng HD Spikers ng panalo para makakuha ng momentum sa crossover quarterfinals na magsisimula sa Huwebes.

Ibabandera ng ­Cignal sina Rachel Anne Daquis, Honey Royse Tubino at national team member Jovelyn Gonzaga.

Yumuko ang HD Spikers sa Foton pero bumangon agad sila matapos kalusin ang ­Petron sa huling laro.

Para kay Cignal coach George Pascua, matagal pa ang labanan kaya dapat maghanda.

“We can’t afford to be complacent,” saad ni Pascua. “Things are going tough from here. We have to work hard because everybody is also preparing as well.”

Pinahirapan ng Generika-Ayala ang Tornadoes sa kanilang huling laro.

“We’re playing each game as if it is our last,” hayag ni Generika-Ayala coach Francis Vicente. “Our morale is high after giving Foton a scare. The players realized that they are also capable of winning over the heavyweights of the league.”

Magkakaldagan sa unang laro ang Cherrylume at Cocolife.