Psywar kontra Makabayan bloc pinalagan

Ni Aries Cano

Umalma si Bayan Muna Rep. Carlos Isagani Zarate sa diumano’y patuloy na psychological warfare operations ng security forces.

Ginagamit diumano ang isang ‘Ka Danny’ na nagpapanggap na political officer ng tatlong party-list congressmen mula sa Ba­yan Muna, Anakpawis at ACT-Teachers.

Ito’y para siraan at i-red tag diumano ang mga political group bilang pronta ng Communist Party of the Philippines (CPP).

“It is quite easy for anyone to make such pea-brained claims and besmirch the names of Bayan Muna, Anakpawis and ACT Teachers Party-lists. Yet, when asked for evidence to prove this clearly frivolous claim, these perjured accusers cannot show anything to prove it; at most they can only fabricate tainted e­vidence that would not stand scrutiny,” pahayag ni Zarate.

Inaatake aniya ang mga kongresistang miyembro ng Makabayan bloc sa
pamamagitan ng mga inilalakong kasinu­ngalingan ng mga pekeng testigo.

“Makabayan solons have always been attacked by lies peddled by false witnesses like Juliano Alvaro and Julie Flores Sinohin, who tried in vain to previously link Ka Satur Ocampo, Liza Maza, Ka Paeng Mariano and Teddy Casino to the kil­ling of Jimmy Peralta on December 23, 2003 and Carlito Bayudang on May 6, 2004, respectively,” giit ni Zarate.

Napatunayan naman aniya na ang lahat ng mga ito ay pawang gawa-gawang kaso.
“All of such trumped-up charges were proven false,” ayon pa kay Zarate.