Dumulog sa Supreme Court (SC) ang Philippine Telegraph and Telephone Corporation (PT&T) para kuwestiyunin ang desisyon ng National Telecommunications Commission (NTC) na nagdiskuwalipika sa kanila sa bidding para sa 3rd major telco player.
Naghain ng petition for certiorari ang PT&T sa SC noong Biyernes at inireklamo ang pagkakadiskuwalipika sa kanila sa bidding para sa 3rd major telco player.
Kinuwestiyon ng PT&T ang NTC at ang selection committee dahil sa ‘grave abuse of discretion’ nang tumanggi umanong bigyan sila ng sertipikasyon na may teknikal na kapasidad para lumahok sa bidding.