Patuloy pang kinukumpirma ng Joint Task Force Sulu ang ulat hinggil sa umano’y kinidnap na public school teacher sa Mainbong, Sulu, noong Biyernes.

Ayon kay Col. ­Cirilito Sobejana Jr., Joint TF commander, base sa pakikipag-ugnayan nila sa PNP, naitalang ­missing ang kaso ni Ibrahim ­Botong, guro ng Jolo ­National High School.

Sinasabing mula nang bumisita sa Maimbong ang guro ay hindi pa ito umuuwi sa kanilang ­bahay.

Nilinaw ni Sobejana na kapag ang isang tao ay iniulat na missing ay ipinauubaya muna nila ang pag-iimbestiga sa pulisya.

“Kapag confirmed na ang ulat na may nangya­ring pagdukot saka kami kikilos,” pahayag ni ­Sobejana.

Ayon kay Sobejana, nakikialam lamang sila kapag may kumpirmasyon nang dinukot ng masasamang grupo gaya ng ASG ang isang indibidwal.