Public viewing sa labi ni Sulli pinayagan ng pamilya

Isang malungkot na balita ang pagpanaw ng singer-actress na si Sulli.

Naalala namin nang mamatay ang leader ng grupong SHINee na si Jonghyun at kung paano, nagluksa ang halos lahat sa industry, lalo na ang mga singers na malapit dito, tila ganito rin ang nangyayari ngayon sa pagpanaw ni Sulli.

Pinaniniwalaang suicide ang naging dahilan sa pagpanaw ni Sulli. May nakitang handwritten notes ang police pero hindi raw ito suicide note or diary kung hindi note na nag-e-express ito ng nararamdaman.

Nagbigay naman ng updated statement ang management ni Sulli na SM Entertainment .Pumayag na ang pamilya niya na magkaroon ng schedule public viewing sa mga fan.

“This is SM Entertainment.

“Sulli has left our side.

“We are filled with grief to have to share this unfortunate newswith fans. In accordance with her family’s thoughts, we have prepared the following space for fans, who have always given [her] generous support, to give their warm goodbyes to Sulli.

“Fans can pay their respects [to Sulli] in Hall No. 7 (floor B1) of the Yonsei Funeral Hall on October 15 from 4 p.m. to 9 p.m. and October 16 from noon to 9 p.m. KST.

Once again, we express our sincere condolences.

Nagdadalamhati naman ang ilan sa mga South Korea na entertainer sa biglaang pagpanaw ni Sulli. Karamihan sa kanila ay nagpahayag ng postponement ng kanilang mga promotion para mag-mourn kay Sulli.

Ilan sa mga ito ay ang Super Junior, IU, Amber Liu, N. Flying at ang actress na si Kim Joo Yung. SF9’s Youngbin, Kang Daniel, IZ*One, WJSN, Seventeen at iba pa.

Si Sulli ay 25 years old pa lamang. Nagsimula bilang child actress noong 2005. Naging miyembro ng South Korean girl group na F(x) at nitong July lang nang ilunsad naman bilang solo singer.