Transport group na ang nagbantang magsasagawa ng tatlong araw na strike na huwag nang ituloy ang kilos-protesta at sa halip ay makipagdiyalogo na lamang sa pamahalaan para ayusin kung ano man ang mga problema.

Nanawagan naman ang Metropolitan Manila Development, ang apela ay ginawa ng MMDA dahil ma­laki umano ang magiging epekto sa mga motorista at mga mana­nakay ng ibinababalang tatlong araw na transport strike.

Ang transport strike ay ipinorma para kalampagin umano ang Land Transportation, Franchising and Regulatory Board (LTFRB) hinggil sa planong phase-out sa mga lumang public utility jeep (PUJ). Isa pa sa tinututulan ng grupo ay ang balak ng Department of Transportation (DOTr) na taasan ang finance requirement sa mga operators at hindi na rin papayagan ang paisa-isang kuha ng prangkisa.

Ang matindi sa bantang transport strike ay hindi raw sila magbibigay ng maagang anunsyo kung kelan ikakasa ang tuluy-tuloy na tatlong araw na transport holiday upang maramdaman ng LTFRB ang galit ng mga tsuper at operators.

Mukhang matindi ang epek­tong idudulot sa commuters ng bantang welgang ito ng mga tsuper at operators ng mga pampasaherong mga jeepney.

Ang sa amin, lamang ma­ging maagap sana ang pamahalaan sa bantang strike upang hindi naman maperwisyo ang taumbayan dahil wala namang kinalaman ang publiko sa ibinabatong galit ng transport sector sa gobyerno.

Higit sa lahat ay magkaroon sana ng isang produktibong da­yalogo para wala nang ikinakasang protesta na alam naman na­ting hindi lamang naman ang commuters o publiko ang magdurusa kundi maging ang mga tsuper ng mga PUJs na matitigil ang pasada dahil sa pakikiisa sa welga.