Inalerto ng National Capital Region Police Office (NCRPO) ang publiko laban sa mga sindikato o tiwaling pulis na ginagamit ang Oplan Tokhang o Oplan Taphang ng Philippine National Police (PNP) sa iligal na gawain.
Tinukoy ni NCRPO Chief Director Oscar Albayalde ang pagtawag ng mga salarin sa cellular phone ng bibiktimahin at hihingan ito ng pera.
Ani Albayalde sa oras na pumalag o tumangging magbigay ang potential victim ay babalaan i-Oplan Tokhang.
Binigyang diin ni Albayalde na hindi kasama sa standard operating procedures (SOP) para sa Oplan Tokhang o Oplan Taphang ang pagtawag sa cellphone ng hinihinalang drug suspect. Pormal na iimbitahan ito sa pamamagitan ng sulat lalo kung may reklamo laban sa indibidwal.
Kapag tumanggi ito sa imbitasyon ay karapatan nya at hindi pwedeng ipilit ng pulisya, kasabay ng karapatan din nitong kumuha ng abogado.
Heto pekeng Tokhang ginawa ng pulis niyo:
Duterte ipag utos mo agad kay Pnp Chief “Bato’ dela rosa na shoot to kill sa mga nagtatagong pulis na kasabwat sa pagpatay kay Jee Ick Joo.na isang korean executive ng Hanjin Corp.pati yung tumakas na dating pulis na si Santiago na nasa canada na,ipadeport siya pabalik sa Pinas at yung isang nadadawit na isang Colonel ng Pnp dakpin yan kung magtatago “shoot to kill !” nakakahiya sa Camp Crame pa pinatay ng hayop na si Sta isabel,ang pulis na sangkot kailangan me instant justice dito,pag drug pusher,usher instant patay, heto pulis mo duterte at bato ano gagawin niyo? di dapat magtagal yan, panawagan kay Doj.aguirre alisin sa NBI custody si Sta Isabel at ibalik sa custody ng PNp halatang guilty ang hayop na yan pasensya sa salita ko pero ano mararamdaman niyo kung ang asawa o kapatid mo walang kasalanan magpapanggap na legitimate operation na sangkot sa droga di naman pala, pakiusap din me balita na may isang koreano na sangkot dito sa kaso dakpin siya agad bago makatakas,isang hamon sa iyo yan duterte,kumilos ka dahil pag pulis ang nakapatay at may kasong pagpatay e inahako mo pa at pinagtatanggol heto pera-pera to dahil sa pera o negosyo pinapatay ang biktima,tama na yang mura at banat mo sa mga pari ikaw presidente ngayon umaksyon ka laban sa mga scalawag policemen involved in kidnapping with ransom.