Sa pagkakahuli kay Mark Anthony Fernandez, nakatuon ngayon ang mata ng publiko sa tumakbong Senador at natalo at ngayo’y nagbabalik artista sa isang GMA7 teleserye na si Alma Moreno. Sa huli’t huli kasi, ang support group ng isang anak ay nasa pamilya.

At bago ka pa man magprisinta na manilbihan sa bayan, ayusin mo muna ang sarili mo at ang pamilya, di ba?

Kakatwa rin na isa sa huling nilabasan ni Mark na pelikula ay ang Ma Rosa na tungkol din sa paggamit at pagtutulak ng droga.

Ang anak ni Mark na si Grae Fernandez, nag-tweet, “No matter what people say about you, I will always be proud to be your son because you’re the best dad.”

Kim Idol mas patok na Leila de Lima

Marami ang magagan­dang feedback ukol sa impersonation ni  Kim Idol kay Senator Leila de Lima na kumalat sa social media.

Sabi ng mga showbiz observers, mas bago, fresh at nakakatawa si Kim Idol kaysa sa ginawa ni Nanette Inventor na pagla-Leila de Lima sa Sunday PinaSaya at sa social media.

***

Hindi tuloy ang pagpapalabas ngayon ng sexy drama film nina Nathalie Hart, Luis Alandy, Joem Bascon at Allan Paule na Siphayo.
Postponed ito indefinitely.

“We will show it on better play date. Kindly wait for further announcement. Please bear with us!!” post ng line producer na si Dennis Evangelista sa Facebook.

May dalawa pang pelikula si Nathalie – ang Tisay (kasama sina JC de Vera at Joel Torre) at Balatkayo (kasama sina Aiko Melendez at Polo Ravales).

Nakakadismaya kung mauna pa ang mga ‘yon sa Siphayo, ha?!

***

Nanguna sa takilya ng North America last weekend (September 30 – October 2, 2016) ang bagong bukas na Miss Peregrine’s Home for Peculiar Children.

$28.9M ang opening weekend gross ng nasabing fantasy adventure na dinirek ni Tim Burton.
Pumangalawa ang bagong bukas na disaster drama na Deepwater Horizon ($20.2M).

Pangatlo ang remake ng The Magnificent Seven ($15.6M), na naka-$61.5M sa dalawang weekend.

Pang-apat ang animated film na Storks ($13.5M), na naka-$38.5M sa dalawang weekend.

***

Totoo bang magpapasok na ng isang babaeng karakter para maging ka-triangle nina James Reid at Nadine Lustre sa Till I Met You?

Hindi masyadong kinakagat ng publiko ang gay angle nina James at JC Santos?

Bakit hindi na lang bigyan ng ibang gay lover si JC at ilabas na sa istorya nina James at Nadine?

Maraming JaDine fans talaga ang naturn-off kasi at hindi kinapitan na bading ang third party ng idol nila na hindi pa sikat na aktor na kilala at may karismang pangmasa.

Sayang!

Tsuperhero nina Derrick at Bea, makatotohanan!

Bea Binene at Derrick Monasterio
Bea Binene at Derrick Monasterio

Iba ang dedikasyon nina Derrick Monasterio at Bea Binene para sa kanilang upcoming GMA show na Tsuperhero.

Totohanan na kasing nag-drive ng jeep ang Kapuso actor habang naging isa namang barker o taga-tawag ng pasahero ang kanyang partner na si Bea kamakailan.

Sey ni Derrick, nag-immersion sila para sa effectivity ng kanilang roles.

Si Bea, na-enjoy talaga ang nasabing activity.

“Hindi naman siya ganun kahirap, sakto lang. Na-enjoy ko kasi bago naman sa akin ito.

’Yung una, nakita namin sila Kuya barker, kaya tinanong namin kung every kailan sila dun at kung paano nila pino-pronounce ang mga lugar,” lahad ni Bea.

***

Kung may #RelationshipGoals, #ExGoals naman ang trending para kina Kristoffer Martin at Joyce Ching.

Kahit ex na nila ang isa’t isa, they still to give their fans that kilig vibe.

After ng kanilang episode sa Magpakailanman last Saturday, inumpisahan ng Kapuso love team ang linggo sa isang cute na Fetty Wap Challenge.

Kahit sa pagsasayaw, walang humpay ang pagpapakilig ng dalawa.

Napaka-sweet pa rin  nila together.