Pinag-iingat ng ­Department of Health (DOH) ang ­publiko ­laban sa mga fake news na naglalabasan sa ­social media ­kaugnay nang kumakalat na 2019 novel corona ­virus (NCoV).

Sinabi ni Health Undersecretary at Spokesperson Eric ­Domingo, mas ma­kabubuting magbasa at makinig lang sa mga impormasyong mula mismo sa DOH, gayundin sa mga ba­litang ini­hahatid ng mga ­lehitimong news agency upang ­maiwasan ang kalituhan at pagpapanik.

Sa sandaling may marinig at mabasa na balitang mayroon nang nag-positibo sa 2019 nCoV sa bansa, ay makabubuting ­alamin muna kung totoo ­talaga ito sa DOH.

Ayon kay ­Domingo hindi rin dapat na ­ipakalat ang balita lalo na kung hindi naman ito kumpirmado dahil nagdudulot lamang ito ng pangamba at panik sa publiko.

Kaugnay nito, nagpaalala si ­Domingo sa kahalaga­han na dapat mayroong proteksyon ang mga ­nagtatrabaho sa mga paliparan at mga daungan laban sa virus gaya na lamang ng mga tauhan ng ­Bureau of Immigration (BI), na kailangang magsuot ng face mask, dahil sila ang nasa frontline o mga unang sumasalubong sa mga biyaherong pumapasok sa bansa. (Juliet de Loza-Cudia)