Puerto Princesa mayor, 14 pa isinabit sa P263M anomalya

Masusubukan ang seryosong kampanya ni Presidente Rodrigo Duterte na labanan ang katiwalian at korupsyon sa gobyerno sa pagsasampa kahapon sa Omdusman ng kasong graft at ibang kaugnay na kaso laban kay re-elected Puerto Princesa City Mayor Lucilo Bayron at 14 city officials kaugnay ng umano’y maanomalyang public bidding sa pagbili ng heavy equipment na nagkakahalaga ng P263 milyon.

Sa reklamo na sinuportahan ng maraming dokumento, inakusan ng `Zero Tolerance Org.’, isang non-government organization (NGO) na pinangunahan ni Danilo Hassan, si Bayron; city administrator, Atty. Elena Vergara Rodriguez; city treasurer Jerome Padrones at mga miyembro ng local Bids and Awards Committee (BAC) at Mandatory Review Team (MRT), nang pag­labag sa RA 3019 (Anti-Graft and Corrupt Practices Act), RA 9184 (Government Procurement Law) at RA 6713 (Code of Ethical Standards for Public Officials).

Ang kaso ay nag-ugat sa pagbili ng Puerto Princesa ng iba’t-ibang ‘brand new’ ‘heavy equipment’ vehicles na nagkakahalaga ng P263 million na isang pag­labag sa ordinansa ng konseho ng lungsod.

Ito ang pangalawang beses na sinampahan ng kaso si Bayron sa Ombudsman kaugnay ng umano’y administrative at criminal offenses.