Pugante mas piniling mamatay kesa mahuli nang buhay

Minabuti pa ng isang takas na bilanggo ang mamatay kesa mahuli nang buhay matapos itong makipagbaarilan sa mga pulis nang tangka itong arestuhing muli sa Calauan, Laguna nitong Lunes ng umaga.

Itinakbo pa sa PPL hospital sa bayan ng Bay ang puganteng si Noel Yaon Ibareta subalit idineklara na itong dead on arrival.

Sa report ng Calauan police, natunton ang pinagtataguan ng suspek sa Barangay Perez kaya agad silang nagsagawa ng operasyon dakong alas-6:00 ng umaga.

Subalit sa halip na sumuko sa mga awtoridad, nagbunot ito ng baril at nakipagbarilan sa mga pulis.

Si Ibareta, residente ng Brgy. San Miguel, Sto. Tomas, Batangas na may kasong murder ay nakatakas sa Calauan police station locked up cell noong May 26 habang ang kanilang jailguard ay nagpapamasahe sa dalawa pang inmates.

Nauna ng naaresto ang kasama nitong tumakas na si Mark Spencer Mendoza, 18, sa follow up operation sa Barangay San isidro. (Ronilo Dagos)