KATULAD ng DongYan ay itsurang nasa European honeymoon din ang mag-asawang Judy Ann Santos at Ryan Agoncillo.

Nasa Puglia, Italy ang JudRye at ine-enjoy ang kanilang ‘couple time’ dahil silang dalawa lang at hindi ka-join ang tatlong tsikiting nila sa biyaheng ‘yon.

Ito ‘yung sinabi sa amin ni Juday sa presscon ng Bet On Your Baby Season 3 na lilipad sila ni Ryan pa-Italy para duma­lo sa kasal ng sty­list niya, na segue na rin sa bakasyon nila para sulit.

Nu’ng nasa airport sila pa-Italya ay hindi sure si Juds kung mapi-figure out ni Rye ang dala nitong GoPro camera, so baka iPhone na lang daw ang gamitin nila.

In fairness ay napaandar ito ni Ryan at ang gaganda ng pinost nitong videos sa Instagram gamit ang GoPro.

Sey ni Juday sa pic nilang mag-asawa na nagwa-wine-wine sila kasabay ng afternoon snacks, 3 plane rides, 2 bus rides at 1 car ride bago nila narating ang Puglia.

Binidyo ni Rye ang breakfast nila, na ang nilagay niyang title ay, “Unang Almuciao sa Puglia ng Ina Mo.”

Ang saya ng rider na si Ryan dahil nag-arkila sila ng motorbike at ‘yun ang sinakyan nila para mag-ikot at i-explore ang lugar na ‘yon sa Southern Italy.

May napuntahan silang beach at nagtamis-tamisan moment doon ang mag-asawa.

Juday at Ryan
Juday at Ryan

Nag-enjoy si Juday sa rampa nilang ‘yon, ang lamig-lamig lang daw, namula nang husto ang ilong niya.

Ang saya nu’ng GoPro vid ni Ryan ng pag-iikot nila sa Puglia. ‘Pag nasa motor sila ay si Juds ang may hawak ng kamera dahil si Rye ang nagmamaneho.

Ang sweet panoorin ng dalawa, na parang magsyota lang ang peg ‘pag nasa abroad sila.

Gandara ang mga anggulo ng shots ni Ryan na mukhang tuwang-tuwa sa bagong toy niya.

39th birthday ni Juday sa May 11, so malamang may planong gawin at puntahan sa araw na ‘yon ang mag-asawa.

Mukhang posible rin silang makabuo ng baby na made in Italy, pero ang sabi ni Juday ay hindi pa muna sa ngayon.

Limang taon ang pagitan ng mga anak nila at 1 year & 4 months pa lang ang bunso nilang si Luna.