PUI sa COVID-19: 64 na lang

Nasa 64 na Patient Under Investigations (PUIs) na lamang ang binabanta­yan at kasalukuyan naka-confine sa iba’t ibang pagamutan sa bansa dahil sa banta ng coronavirus 2019 (COVID-19).

Sa pinakahuling datos na inilabas ng Department of Health (DOH) na hanggang kahapon ng alas-12 nang tanghali nasa kabuuang 615 na ang PUIs na naitala nila sa bansa pero 64 PUIs na lamang ang nanatiling nilalapatan ng lunas.

Nabatid na pinakamarami pa ring PUIs na naka-confine sa mga pagamutan sa National Capital Region (NCR) na nasa 56 ang bilang.

Habang dalawang PUIs naman ang naka-confine pa sa pagamutan sa Cordillera Autonomous Region (CAR) habang tig-isa naman ang PUI na admitted pa sa mga ospital sa Calabarzon, Central Luzon, Central Visayas, Cagayan Valley, Northern Mindanao at Ilocos Region.

Kaugnay nito, nasa 548 naman na mga PUI na pinayagan ng DOH na ma-discharged na sa mga opsital pero pa­tuloy na isinasailalim pa rin ang mga ito sa istriktong monitoring.

Samantala, nasa tatlo pa rin ang bilang ng kumpirmadong kaso ng COVID­-19 sa Pilipinas, na pawang Chinese nationals na mula sa Wuhan City, Hubei, China, at nagbakasyon lamang sa bansa. (Juliet de Loza-Cudia)