Sugatan ang isang pulis Maynila habang patay ang lalaking namaril sa kanya sa isinagawang anti-crminality campaign kahapon ng madaling-araw sa Maynila.
Sa imbestigasyon ni SPO1 Dennis Turla ng Manila Police District-homicide section, inilarawan ang nasawing gunman na nakasuot ng kulay itim na polo shirt at maong short pants habang ang sugatang pulis na dinala sa Camp Crame Hospital ay kinilalang si PO1 Jaymar Celemen na nakatalaga sa Arellano Police Community Precinct (PCP).
Dakong ala-1:40 ng madaling-araw nang magsagawa ng anti-criminality operation sina PSInsp. Paulito Sabulao sa may panulukan ng Arellano Avenue at Gonzalo St., nang makita ang tatlong suspek na kahina-hinala ang kilos.
Sinita umano ng mga pulis ang tatlong suspek pero kaagad na bumunot ng baril ang gunman at pinaputukan ang mga pulis at kaagad tinamaan si Celemen habang nakatakas naman ang dalawang kasamahan ng gunman.
Hinala ng pulisya na ang mga suspek ay mga holdpaer na nambibiktima sa San Andres, Maynila.