Dinakip ng mga tauhan ng Counter Intelligence Task Force (CITF) ang isang pulis habang minamaneho nito ang isang karnap na sasakyan sa ba­yan ng Mangaldan, Pangasinan.

 

Arestado si SPO3 Jonathan Sanchez na nakatalaga sa Managaldan Municipal Police Station habang minamaneho nito ang isang karnap na pu­ting Toyota Hi-ace van na may pekeng plaka sa Brgy. Navaluan.

 

Ayon sa CITF, alas-10:25 kahapon ng umaga nang arestuhin si Sanchez dahil sa reklamo ni Rosa Pamor ng Bagong Silang, Caloocan City na siyang may-ari ng van.
Inarkila umano ang van noong Setyembre ng nakaraang taon subalit hindi na ito naibalik. Nakatanggap ng impormasyon si Pamor na nasa himpilan ng Mangaldan Police ang kanyang van ngunit itinanggi ito ng istasyon kaya humingi ito ng tulong sa CITF.

 

Sa imbestigasyon, nakuha umano ang van nang maaresto ng Mangaldan Police ang isang grupo noong Setyembre subalit hindi isinama sa kanilang report ang sasakyan.

 

Nasa kustodiya na ng Camp Crame ang naarestong pulis habang ini­hahanda ang kaso laban dito. ­