Isang pulis na nakatalaga sa Drug Enforcement Unit ng Angat Philippine National Police (PNP) ang nasawi makaraang mawalan ng kontrol ang kanyang minamanehong motorsiklo sa ginagawang kalsada sa Angat, Bulacan kamakalawa.

Kinilala ang nasawing biktimang si PO3 ­Erickson Cruz, 37, may asawa at residente ng Brgy. Sto. Cristo, Baliuag na nasawi sa pinagdalhang pagamutan bunga ng matinding pinsala sa ulo.

Nabatid na bandang alas-10:50 ng gabi nang maganap ang aksidente habang ang biktima ay lulan ng kanyang Yamaha MIO na may plakang 8995 matapos i-surveillance ang isang tulak sa nasabing bayan kasama ang isa pang kabaro na nakasakay din sa ibang behikulo at bumabagtas sa kahabaan ng Barangay Sta. Cruz, Angat.