Pulis, erpat na magkasabwat sa pagtutulak bagsak sa buy-bust

Swak sa piitan ang isang pulis kasama ang kaniyang ama at step mother sa buy-bust operation laban sa mga ito sa Quezon City, ayon sa ulat ng pulisya.

Iniharap sa mga mamamahayag kahapon ni Quezon City Police District (QCPD) Director, P/Brigadier General Joselito Esquivel Jr., ang suspek na sina Patrolman Darryl Galendez alyas ‘Dary Pulis,’ 25, taga-5222 Demetillo St., Brgy. Gen. T de Leon, Valenzuela City; tatay nitong si Daniel Galendez, 50, at kinakasamang si Estella Alfonso, 36, kapwa residente ng 203 Mc Arthur St. Area 1, Brgy. Pasong Tamo.

Sa report, nakatanggap ng impormasyon ang Talipapa Police Station sa pamumuno ni PLTC Alex Alberto, na sangkot ang pulis at ama nito sa pagtutulak ng iligal na droga.

Dahil dito’y tiniktikan ang mga suspek at nang magpositibo ang impormasyon ay ikinasa ang buy-bust operation na ikinaaresto ng tatlo.

dakong alas-10:30 nang gabi sa tahanan ng matandang Galendez matapos bentahan ng P200 halaga ng shabu ang pulis na tumayong buyer ng droga.
Patuloy namang tinutugis ang isang alyas ‘Balawis’ na sinasabing kasabwat umano ng mga suspek sa pagtutulak.

Nasamsam ng mga awtoridad mula sa mga suspek ang 7 pakete ng shabu, ‘di lisensyadong kalibre .45 pistola na may 7 bala, 4 cellphone at P200 buy-bust money. (Dolly Cabreza)