Arestado ang lima katao kabilang ang tatlong babae matapos na mahuling nagbebenta ng iligal na droga sa isang police poseur buyer sa ikinasang buy-bust operation kamakalawa nang gabi sa Brgy. Concepcion Uno, Marikina City.
Pinangunahan ni Station Drug Enforcement Unit (SDEU) head P/Insp. Greco Gonzales ang buy-bust operation bandang alas-11:45 Huwebes nang gabi sa Libis St., Brgy. Concepcion Uno, Marikina City makaraang makatanggap ng tip na nasa lugar ang target nilang tulak.
Nakilala ang mga naarestong suspek na sina Catherine Marcelo, 37-anyos, taga-Barangay Sto. NiƱo; Carmelita Barsuela, 50-anyos; Lyka Joy Terabo, 45-anyos; Mark Anthony Quilala, 26-anyos at Leonardo Cana, 38-anyos, construction worker, pawang residente ng Brgy. Concepcion Uno, Marikina City.
Positibong nakabili ng droga ang pulis kay Cana at agad na dinampot ang suspek kasama ang apat pa na kasabwat.
Nakumpiska sa grupo ang limang sachet na naglalaman ng shabu at P500 na ginamit bilang buy-bust money.
Kasalukuyang nakakulong ang mga suspek sa Marikina PNP detention cell.