Matinding pinsala sa katawan ang inabot ng isang pulis na lulan ng kanyang motorsiklo nang salpukin ng isang pampasaherong jeep sa Navotas City kamakalawa ng gabi.
Sa ulat ni PO2 Windel Castañeda ng Navotas City Police – Traffic Investigation alas-sais pasado ng gabi nang maganap ang insidente sa kahabaan ng Road 10, Barangay North Bay Boulevard North (NBBN) ng nasabing lungsod.
Binabaybay ng biktimang si PO1 Henry Alejandro, 24-anyos, nakatalaga sa Navotas Police Community Precinct (PCP) IV at residente ng Taguig ang nasabing kalsada at patungo ng Maynila nang salpukin siya ng pampasaherong jeepney na may plakang DEF 782 na minamaneho ni Benjamin Licayan, 70-anyos na taga-Tondo, Maynila na noon ay nag-u-turn patungo rin sa Maynila.
Sa lakas ng impact ay tumilapon ang biktima at bumagsak sa sementadong bangketa na naging sanhi ng malalang mga pinsala nito sa kanyang katawan na agad namang naisugod sa Tondo Medical Center.
70 year old Jeepney Driver??? Retire na dapat ito!!!