Dahil sa malaking papel ng pulis at militar sa pananatili ng peace and order sa Pilipinas, marapat lamang na ituring na modern day heroes ang mga ito.
Sa selebrasyon ng National Heroes Day ngayon ay sinabi ni Senador Alan Peter Cayetano na hindi madali ang laban kontra kriminalidad, terorista at droga kaya ang sinumang kakasa na maresolba ito ay dapat bigyang pagkilala kagaya ng pagpapel na ginagawa ngayon ng kapulisan.
Binigyang-diin pa ng senador na sa mahabang panahon ay nangibabaw ang operasyon ng mga drug lords na pikit-mata lamang ang tanging naging aksyon ng mga nakalipas na administrasyon pero sa termino ni Pangulong Rodrigo Duterte ay ito ang sentro ng kanyang kampanya na dapat suportahan ng sambayanan.
Kaya sa gitna ng mabigat na laban ng pamahalaan ay karapat-dapat na kaisa rin ang mamamayan sa pagbibigay ng pugay sa sakripisyo ng marami para makamit ang kaayusan lalo na ang mga sundalo at pulis na nagbuwis ng sariling buhay.
“Let us remember them as heroes, not as mere casualties: PO3 Jenny Agbayani, SPO3 Marlon Nicolas, PSINP Mark Gil Garcia, PO3 Nestor Dimaano, PSINP Orlando Guira, PO3 Jerson Autida, SPO3 Edmar Bumagat, PO2 Armand Villanueva Jupia, and SPO3 Limuel Mahaba Panligan, CPL Josel Miravalles, PFC Jaypee Duran, PO3 Dar Espallardo. Many don’t realize the sacrifices our law enforcers make until they themselves end up martyred in the line of duty and reported in the news,” pahayag ni Cayetano.
Pinuna pa ni Cayetano ang panininisi at batikos sa mga pulis na sa kabila ng sakripisyo at pagganap sa kanilang tungkulin ay kinukuwestiyon pa rin ang kanilang integridad, hindi umano ito ang dapat na isukli sa mga sakripisyo ng mga law enforcers bagkus dapat pang ibigay sa kanila ang lahat ng nararapat gaya ng mataas na pasahod.
at this time masasabi natin na modern day heroes for their sacrifices but before lalo na sa mga pulis, hindi yun ang nakikita ng sambayanan…