Pulis minura ng lasing

Tatlong pasaway, kasama ang nagmura sa pulis sa gitna na umiiral na modified enhanced community quarantine ang inaresto ng mga elemento ng pulisya ng Zaragosa, Nueva Ecija nitong Miyerkoles.

Sa ulat ni Police Major Jaime Ferrer, nakilala ang naarestong sina Geronimo Candelaria Fermin, 39, ng Brgy. Carmen; Samuel Fermin Liwanag, 30, ng Brgy. Del Pilar, at Marvin Curatcha De Jesus, 55, ng Brgy. Sto Rosario Young, pawang nakatira sa bayan ng Zaragoza, Nueva Ecija.

Nabatid na dakong alas-4:30 ng hapon nang tapatan ng lasing na si Fermin ang tahanan nina Rustico Cruz, 50, at Police Corporal Danmark Argel at pinagmumura ang mga ito.

Inaresto si Fermin at kinasuhan ng paglabag sa liquor ban at umiiral na MECQ.

Naaresto naman si Liwanag dakong alas-11:00 ng gabi ng mga nagpapatrulyang mga pulis dahil sa curfew bukod pa sa walang suot na facemask.

Tinangka namang umiwas sa checkpoint ni De Jesus pero ito ay tinugis at inaresto ng mga pulis. (Jojo de Guzman)