Pulis na COVID-19 positive 83 na

Umabot sa 83 ang pulis na nagpositibo sa coronavirus disease 2019 (COVID-19) ayon sa ulat ng Philippine National Police (PNP) Health Service kahapon.

Ayon kay PNP-HS Director Police Brig General Herminio Tadeo Jr., nagkaroon ng karagdagang tatlong nagpositibong pulis sa COVID-19 kamakalawa. Habang mayroon pang 567 suspected at 126 probable Covid-19 kaso sa kanilang hanay.

Hindi naman nagbabago ng datos sa gumaling na pulis na mayroong 12 habang tatlo sa mga nagpostibo ang nasawi.

Samantala umabot na sa P208.1 milyon ang nalikom na pondo sa pamamagitan ng voluntary contribution ng mga PNP personnel sa isinagawang #Team PNP Bayanihan Challenge.

Ayon kay PNP Spokesperson Brig General Bernard Banac, nalampasan nila ang P200 milyon inaasahang target na makokolekta sa pamamagitan ng boluntaryong pagbibigay ng mga PNP personnel bilang tulong ng kapulisan sa mga mahihirap ngayong panahong ng COVID-19 pandemic.

“This Bayanihan Fund Challenge also called the PNP’s version of “SAP” or Sariling Alay ng Pulis” para sa mahirap is a project of PNP Chief, Gen. Archie Gamboa implemented by the PNP Directorate for Police Community Relations to raise PHP200 million aid to help feed the poorest of poor who are the most economically vulnerable as strict ECQ in Metro Manila and other places hardest hit by the pandemic extends until May 15 and as well as GCQ measures begin in other parts of the country after April 30,” pahayag ni Banac sa kanyang statement. (Edwin Balasa)