Pumalo na sa 78 ang mga pulis na nagpositibo sa coronavirus disease 2019 (COVID-19), ayon sa ulat ng Philippine National Police (PNP) kahapon.

Ayon kay PNP Helath Service Director Brig General Herminio Tadeo Jr., bukod sa bilang ng nagpositibong pulis ay mayroon pang 580 suspected at 96 probable cases, habang 12 ang gumaling at 3 ang nasawi.

Sinabi naman ni PNP Spokespeson Brig General Bernard Banac na suportado ni PNP chief General Archie Gamboa ang utos ni Pangulong Rodrigo Duterte na mas higpitan ang enhanced community quarantine (ECQ) measures sa pakikipagtulungan sa Armed Forces of the Philippines (AFP) para mamuno sa isasagawang contact tracing ng mga positibo, probable at suspected Covid-19 na kaso sa bansa.

“As the PNP increases its presence as part of heightened ECQ measures and now includes COVID-19 contact tracing throughout the country, the exposure of our personnel to the Pandemic increases. Thus, we will intensify monitoring of COVID-19 cases among our PNP personnel and will strictly implement PNP-wide Biosafety Plan in all PNP camps, headquarters, precincts including ECQ checkpoints,” paliwanag ni Banac sa kanyang inilabas na statement.

Bukod sa agarang pag-aresto sa mga ECQ violators ay patuloy pa rin ang preparasyon ng PNP para sa pag-aresto sa mga nananamantalang mga negosyante, indibiduwal at grupo na nagbebenta ng overpriced, hoarding ng mga medical supplies gayundin ang mga nagpapakalat ng fake news na may kinalaman sa virus.

Gayundin, ang mga mahuhuling nangha-harass o nagdi-discriminate sa mga frontline health workers ay aarestuhin din.

“To all our countrymen do your part as homeliners by staying at home throughout this heightened lockdown,” saad ni Banac. (Edwin Balasa)