Inaresto ng mga tauhan ng Northern Police District (NPD) ang isa nilang kabaro sa gate ng headquarters ng National Capital Region Police Office (NCRPO) sa Bicutan, Taguig matapos umanong ireklamo ng kasong extortion sa mga naaresto nilang umano’y mga drug pusher sa isinagawang raid sa Caloocan.
Kinilala ni NCRPO Director Chief Supt. Oscar Albayalde ang pulis na si PO2 Franklin Menor, nakatalaga sa Regional Anti-Illegal Drugs (RAID) ng NCRPO habang ang 8 pang kasamahan nito ay inaalam pa ang mga pangalan nito matapos arestuhin ang dalawang hinihinalang drug pusher na nakilalang sina Marilyn Gelua at Kim Allen pawang nasa hustong gulang sa nasabing lungsod.
Batay sa ulat, una nang nagsagawa ng pagsalakay ang grupo ni Menor at inaresto sina Gelua at Allen.
Hinihingan umano ng mga pulis ang dalawang nahuling drug pusher ng tig-P150,000 bawat isa kapalit ng kanilang kalayaan pero isinuplong sa mga awtoridad dahilan upang ilatag ang entrapment operation na nagresulta ng pagkakasukol sa pulis.
ITUMBA NA YAN KALAWANG SA KAPULISAN!!!!