Nasawi ang isang aktibong pulis-Laguna na sinasabing tulak ng iligal na droga nang hindi agad sumuko at nakipagbarilan pa sa mga kapwa pulis sa buy-bust operation sa Sta. Cruz, Laguna kahapon nang umaga.

Kinilala ang napatay na si PO3 Jennyson Serrano, 45, nakatalaga sa Laguna Police Provincial Office.

Ayon kay S/Supt. Eleazar Matta, director ng Laguna Police dakong alas-8:30 ng umaga nang isagawa ng mga tauhan ng Laguna PIB at DEU ang operasyon sa Sitio ilang-ilang, Brgy. Bubukal sa nasabing bayan.

Lima umanong gramo ng shabu na nagkakahalaga ng P7,000.00 ang nabili ng isang operatiba mula sa suspek.

Subalit sa kalagitnaan ng transaksyon nakahalata ito at gamit ang service firearm ay pinaputukan ang mga awtoridad na gumanti at ikinasawi ni Serrano.